Sunday, January 19, 2014

nostalgia part 2

pag nakikita ko ang mga litrato nyo, (oo ikaw yon, at ikaw at ikaw) naaalala ko ang mga panahong kasama ko kayo. ang aking kabataan na para bagang hindi ito lilipas. 

ikaw una, ang aking highschool life ikaw ang naalala ko. marahil naka-dikit na ang pangalan m sa pangalan k sa twing magkikita kami ng mga dati kong kaklase. naaalala ko pa ang itsura ng mcdo 2 sa tarlac, dun kita laging inaabangan twing sabado. 

ikaw una (oo una ulit) napaka komplikado kong tao non. siguro bata pa at talagang wala akong alam sa mundo. pero sayo naramdaman kung pano mahalin ng isang taong kagaya mo. masarap at masaya pero sayang lang kasi di k napahalagahan ang pagmamahal na iyon. gusto k lang ng kasama non. ay tanga lang ako non!

kayo pampasaya, oo kayo tlga. isa isa kayong dumating matapos ng dalawang una. di ko alam may ganung mundo pala. nakaka-aliw at nakaka-kilig ang hatid nyong saya. pero madali itong lumipas. di ko man lang namalayan wala na pala. gusto ko pa naman sanang ituloy ito sa susunod na antas pero di pala kakayanin. di nyo lang alam, ako ay nasaktan. pero di gaya ng mga nauna madali lang lumipas ang sakit liban lang sa isa. 

liban sa isa ikaw ang prince charming ko. ikaw ang dream guy ko. ikaw ikaw ikaw! ikaw ang leading man ko sa isang korean drama at ako ang leading lady mo. ganyang ganyan ang pakiramdam ko sa twing ikaw ang kasama. sayo ako pinaka masaya.

ikaw huli, pasensya na. ikaw ang napag-diskitahan ko. na sa iyo ang pag-asa ko. sa iyo ko ito nilagay (malaking pagkakamali) marahil kahit sinong babae sa edad na iyon ganun din ang gagawin. di mo kinaya at ikaw ay umalis din. masaya ako para sa iyo mahal. ikaw ay dapat maging masaya kahit ito ay sa piling ng iba. 

kayo lahat, masaya ako dumating kayo sa buhay ko. madami ako natutunan. di ko alam na kaya ko pala magmahal ng ganun at may mga taong handa din akong mahalin. marahil di lang tlga tayo sa isa't isa. ayokong limitahan ang pag-ibig sa aking karanasan. ang pag-ibig dadating ulit, dadating ulit. 


No comments:

Post a Comment